ROAD CONCRETING PROJECT SA BENITO SOLIVEN, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY – Matagumpay na natapos ng DPWH-Isabela 3rd District Engineering Office ang proyektong road concreting sa Brgy. Yeban Norte, Purok 1, Benito Soliven, Isabela.

Layunin ng proyekto na maging maayos ang daan sa kanilang lugar lalo na tuwing umuulan.

Bukod dito, makakatulong din ito upang mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.


Tinatayang nasa P4.9 milyong piso ang pondong inilaan para sa proyekto mula sa ilalim ng 2024 general Appropriations Act (GAA).

Facebook Comments