CAUAYAN CITY – Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 ang pagsasaayos ng kalsada sa Daang Maharlika sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya ngayong araw, ika-14 ng Enero.
Ang daan na aayusin ay may habang isang daang metro (100 m) kung saan isang bahagi lamang ng kalsada ang bubuksan.
Dahil dito, inaasahan ang 30-minute interval para sa mga northbound and southbound vehicles.
Samantala, nagbigay rin ang ahensya ng alternative route para sa mga motorista upang makaiwas sa trapiko.
Siniguro rin naman ang ahensya na patuloy ang kanilang pagsisikap na mapabilis ang konstruksyon sa daan para sa may maayos na byahe ng mga motorista’t byahero.
Facebook Comments