ROAD CRASH | 11 sasakyan, nagkarambola sa SLEX

Nagkarambola ang labing-isang sasakyan sa northbound lane ng South Luzon Expressway, alas 7:00 kaninang umaga.

Ayon kay Anthony Brabosa ng SLEX toll operator, nangyari ang aksidente bago sumapit sa bahagi ng Susana Heights.

Sabi ng mga nasaksi, inararo ng oil tanker ang mga sinusundan nitong sasakyan.


Dahil sa insidente, umabot hanggang San Pedro, Laguna ang tail end ng traffic.

Hindi pa malinaw kung ilan ang nasaktan sa karambola.

Facebook Comments