ROAD CRASH | 14 na senior citizen, patay sa road accident sa Kalinga

Kalinga – Patay ang 14 senior citizen habang mahigit 20 ang sugatan matapos na mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa 200-talampakang lalim ng bangin sa Balbalan, Kalinga.

Kagagaling lang umano sa munisipyo ang mga biktima para kumuha ng pensyon sa DSWD nang mangyari ang aksidente.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng jeep kung saan tinitingnang dahilan ay “overloading”.


Nabatid kasi na nasa 45 ang sakay na pasahero ng jeep.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang iba pang nasugatan kabilang ang driver ng jeep.

Facebook Comments