RESIGNED | Chot Reyes, nagbitiw na

47

Manila, Philippines – Nagbitiw na bilang national coach ng Men’s Basketball Team ng Pilipinas si Chot Reyes.

Ilang araw ito matapos sabihin ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan na si Yeng Guiao na ang hahawak sa national squad.

Sa kabila nito, buo ang suporta niya sa koponang hawak ngayon ni Guiao na sasabak sa 2019 FIBA World Cup.

Matatandaang pinangunahan ni Reyes ang kampanya ng Gilas Pilipinas patungo sa runner-up finish sa 2013 FIBA World Cup.

Nagbitiw siya bilang head coach ng Gilas matapos itong magtapos sa ikapitong pwesto noong 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea pero muling naitalaga noong 2016 kapalit ni Tab Baldwin.

Kamakailan lang nang nakaladkad ang pangalan ni Reyes sa kontrobersya dahil sa nangyaring rambol sa pagitan ng Gilas at Australia sa isang laro sa FIBA World Cup Asian Qualifier noong Hulyo.

Facebook Comments