Manila, Philippines – Inoobserbahan sa Amang Rodriguez Hospital ang driver ng motorsiklo na si Porferio Caabay at ang angkas nito matapos mabangga sa kahabaan ng Marcos highway.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-u-uturn ang isang SUV na minamaneho ni Lito Hernandez nang banggain sila ng truck mula sa likuran.
Sa lakas ng impact nadamay ang motorsiklo ng mga biktima kung saan tatakas pa sana ang driver ng truck pero nahabol ito ng mga pulis.
Sa ngayon, nakakulong na ang driver ng truck na nakilalang si Alejandro Costales Jr.
Facebook Comments