ROAD CRASH | DFA nagpaabot ng pakikiramay sa magkasunod na car accidents sa Saudi at Canada

Nakikiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdadalamhati sa pagkamatay ng apat na Pilipino sa dalawang magkasunod na car accident sa Saudi at Canada.

Sa ulat ni Jeddah Consul General Edgar Badajos kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano June 13 nang mangyari ang aksidente sa Jizan kung saan ang dalawang Pinoy ay bibili sana ng pagkain para sa Eid il Ftr celebration nang mabangga ang sinasakyan nilang van nang humaharurot na sasakyan na minamaneho ng isang Saudi national.

Habang sa Calgary Canada naman nasawi ang Filipino couple.


Ayon kay Calgary Consul General Gilberto Asuque sumalpok ang minamanehong sasakyan ng mag-asawa sa overpass pillar sa Queen Elizabeth II Highway noong June 10 at sugatan ang 3 nilang anak sa nasabing aksidente.

Ayon sa DFA nakahanda ang ahensya sa pagbibigay tulong sa pamilya ng mga nasawi nating kababayan.

Kabilang dito ang pagbibigay ng medical assistance sa mga sugatan, financial assistance at repatriation para sa mga labi ng mga nasawi nating mga kababayan.

Facebook Comments