ROAD CRASH | Isa patay, anim sugatan sa banggaan ng bus at van sa Quezon

Quezon – Patay ang isang katao habang sugatan ang anim na iba matapos ang salpukan ng isang van at pampasaherong bus sa Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon.

Sa ulat, isang Gerry Javal Dael ang siyang nagmamaneho ng naturang van at bigla nitong nakabangga ang kasalubong na DLTB bus na minaneho naman ni Roberto Santua pagdating sa pakurbang bahagi ng lugar.

Nakilala ang nasawi na si Albert Pangilinan na nagtamo ng malalang tama sa ulo at ibang bahagi ng kanyang katawan habang isinugod naman sa ospital si Dael kasama ang tatlong pasahero nito at dalawa naman sa sakay ng nasabing bus.


Kasalukuyan naman nakakulong na ang driver ng bus at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Facebook Comments