SISILIPIN | Pitong opisyal ng DOT, isasailalim sa evaluation

67

Manila, Philippines – Sinisilip ng Department of Tourism (DOT) ang performance at accomplishment ng pitong opisyal.

Ito ay sina: Undersecretary Kat De Castro, Undersecretary Alma Jimenez, Undersecretary Marco Bautista, Assistant Secretary Frederick Alegre, Assistant Secretary Daniel Mercado, Assistant Secretary Maria Lourdes Japson at Assistant Secretary Arlene Mancao.


Paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, isinasalang sa review ang mga ito para alamin kung nararapat pa ba silang manatili sa kanilang kasalukuyang pwesto o kinakailangan nang ma-reassigned sa ibang posisyon.

Ani Puyat, pumapasok pa, sumasahod at nagtatrabaho pa ang mga opisyal na ipinatawag niya.

Ang pitong opisyal ay pawang mga appointee ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na pinagsusumite ng courtesy resignation ni Puyat.

Facebook Comments

From Advertisers