ROAD CRASH | Isa patay sa salpukan ng multicab at truck

Isulan, Sultan Kudarat – Patay ang isang multicab driver nang makabanggaan niya ang isang truck sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawing driver na si Ronald Lanuevo habang sugatan naman ang 20 iba pa.

Sa imbestigasyon, nagkasalubong ang dalawang sasakyan sa Barangay Impao.


Gayunman, hindi pa malinaw kung sino ang may kasalanan sa insidente.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments