WALANG TAKAS | Lalaking wanted sa Pasig, arestado sa Antique

Kalaboso ang isang lalaki sa Bugasong, Antique na may kasong panggagahasa sa Pasig City.

Ayon sa mga awtoridad, halos isang taong nagtago ang suspek na si alyas Andy na nagsamantala sa kaniyang sarili anak.

Sa bisa ng arrest warrant mula sa Pasig Regional Trial Court, pinuntahan ng mga pulis ang suspek habang nasa isang kubo sa Sitio Tarug.


Hindi naman na pumalag ang suspek at umamin na rin sa kanyang kasalanan.

Nagpakuha pa video ang suspek sa mga pulis ng paghingi niya ng tawad sa kaniyang pamilya.

Handa rin aniya siyang makulong at nangakong magbabago.

Facebook Comments