ROAD CRASH | Isang security guard, patay matapos mabangga ng van ang sinasakyang motorsiklo sa Pasig City

Pasig City – Patay ang isang security guard nang masagasaan ng kasunod niyang van ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Roberto Gayasa Jr. na residente ng Tatalon, Quezon City.

Nakakulong naman na ang driver ng van na si Edgardo Cabrera na nakatira sa Cainta, Rizal.


Sa ulat, nasalpok ng van na may plakang AAV-A961 ang motorsiklo ng biktima kung saan matapos nito ay bu­mangga pa sa concrete barrier at sumemplang ang guwardiya.

Hindi na nagawa pang makapagpreno ni Cabrera dahilan para magulungan ng unang kanang gulong ng minamanehong van ang ulo ng biktima, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Facebook Comments