KALABOSO | Isang Miyembro ng SigueSigue Commando Gang, arestado sa ilegal na droga sa Manila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Manila Police District (MPD) Station 3 matapos na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Campaign Law Enforcement Operation ang pulisya sa Tambunting Street Sta. Cruz Manila.

Nakilala ang suspek na si John Froilan Brasa 21 anyos miyembro ng Sigue Sigue Commando Gang residente ng Tayabas Street Tondo Manila.

Ayon kay PO2 Julius Gamboa ng Blumentritt PCP ng MPD nagsagawa sila ng SACLEO sa Tambunting Street Sta. Cruz Manila dahil sa sumbong ng menor de edad na mayroong isang lalaking may bitbit na shabu sa naturang lugar.


Agad na kinapkapan ng mga otoridad ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang 12 plastic sachet ng may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa naturang suspek.

Facebook Comments