ROAD CRASH | Lima, sugatan matapos sumalpok ang isang van sa isang nakaparadang jeeep sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang limang tao makaraang sumalpok ang isang van sa isang nakaparadang jeep sa EspaƱa Boulevard sa Sampaloc, Maynila.

Kabilang sa mga nasugatan ang driver ng van, driver ng jeep at tatlong pasahero nito.

Sa lakas ng pagsalpok, nabasag ang windshield ng van habang sumampa naman sa plant box ang jeep.


Nabatid na nahirapan ang mga rescuer na mailabas sa loob ng sasakyan ang jeepney driver na kinilalang si Vicente Baluyan na hindi na maigalaw ang mga paa.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi napansin ng driver ng van na si Alberto Dayuda ang nakaparadang jeep kaya at sumalpok ito.

Facebook Comments