ROAD MAINTENANCE PROJECT | Ilang bahagi ng Edsa isasailalim sa road reblocking simula ngayong weekends

Manila, Philippines – Simula sa darating na weekend asahan na ng mga motorista ang mas lalong pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.

Ito ay bunsod ng isasagawang road re-blocking ng DPWH sa Edsa.

Ayon kay MMDA GM Jojo Garcia magtatagal ang road reblocking hanggang bwan ng Nobyembre.


Ngayong weekend magsisimula ang pagkukumpuni sa 170-meter stretch na bahagi ng Edsa kung saan isasara simula bukas ng alas onse ng gabi ang isang bahagi ng southbound lane ng Edsa magmula sa Eugenio Lopez Drive – Scout Boromeo, Quezon City

Muling bubuksan ang nabanggit na bahagi ng EDSA alas cinco ng madaling araw sa Lunes, April 9.

Samantala, magpapatuloy pa ang road reblocking sa iba pang bahagi ng Edsa hanggang sa Pinatubo area, Quezon City sa mga darating na weekend hanggang sa November 2 – 4.

Pinaliwanag naman ng MMDA na ang sunud-sunod na reblocking ay bahagi ng road maintenance project ng DPWH sa mga nasira ng aspalto sa Edsa na sasakop naman sa kabuuang 1.6 na kilometrong haba ng nasabing highway.

Facebook Comments