Manila, Philippines – Nagsagawa na ng road repairs at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Quezon City at Pasig kagabi.
Walong national roads ng dalawang lungsod ang isinailalim na magtatapos sa Hulyo 26.
Sa Pasig ay aayusin ang southbound lane ng C5 road mula sa may creek hanggang sa Lanuza Avenue.
Isasailalim sa road repair at reblocking ang mga sumusunod na kalsada ng Quezon City at ito ang 2nd lane ng EDSA Southbound sa pagitan ng Times Street at Quezon Avenue, 2nd lane ng Mindanao Avenue southbound bago ang 20th Avenue, inner lane southbound ng A. Bonifacio mula Sta. Catalina hanggang Magnas Street, 5th lane eastbound ng Commonwealth Avenue mula Batasan Road hanggang Litex Road, 2nd lane northbound ng Quirino Avenue mula Mindanao Avenue hanggang San Sebastian Street, 3rd lane northbound ng Congressional Avenue exit bago ang Tandang Sora Avenue patungo ng Visayas Avenue, 1st lane westbound ng Luzon Avenue sa pagitan ng Commonwealth Avenue at Congressional Avenue.
Samantala, nag-abiso ang DPWH na magdudulot ng pagbigat sa trapiko ang naturang pagsasaayos ng kakalsadahan kaya pinayuhan na ang mga motorista na maging mapagpasensiya at maghanap na lamang ng alternatibong daanan para hindi maipit sa trapik.