ROAD REPAIR | Ilang kalsada sa QC at Maynila, sarado ngayong weekend

10

Ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ang pansamantalang isasara mamayang gabi dahil sa isasagawang road repair ng DPWH.

Alas 11:00 mamayang gabi habang alas 5:00 ng umaga sa Lunes (May 21), hindi muna madadaanan ng mga motorista ang mga sumusunod:

Sa southbound lane ng Quezon City:

– Mula Arayat Street hanggang P. Tuazon, 2nd lane mula sa sidewalk
– Mula Eugenio Lopez Street hanggang sa Scout Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk
– Outer lane ng Visayas Avenue sa harap ng PTV4
– Inner lane ng Quirino Highway, T. Carreon pagkabuhayan road
– 3rd lane ng Congressional Avenue sa harap ng Business Bank hanggang Mindanao Avenue

Sa northbound:

– Harap ng Vertis North hanggang Trinoma Mall, 2nd lane
– Outer lane ng Bonifacio Avenue mula Mayon hanggang Mauban Street

Habang sa Maynila, sarado ang España Boulevard patungong Quiapo sa harap ng Don Quijote Street.

Pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalsada at dumaan sa mga alternatibong ruta para hindi na maabala.

Facebook Comments