Maagang pinaghahandaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga nasa road sector para sa Semana Santa.
Inilagay ng Department of Transportation (DOTr) sa heightened alert status simula sa April 8 hanggang 25 ang lahat ng bus terminals, airports at seaports sa bansa sa ilalim ng oplan biyaheng ayos.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nais nilang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maging komportable ang kanilang pagbiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.
Inanunsyo ni Delgra na may 484 na silang natanggap na aplikasyon para sa special permit mula sa mga bus company.
Nasa 1,133 units ang mga ito na biyaheng Bicol, Mindanao, South at North Luzon gayundin sa Visayas Region.
Ayon kay Delgra, may mga naaprubahan na sila sa mga nasabing aplikasyon at nabigyan ng special permit.