Road to Sainthood: Pinoy teenager, idineklarang ‘Servant of God’ ng Vatican

Image via CBCP News

Idineklara ng Vatican ang Pilipinong si Darwin Ramos na “Servant of God”, ayon sa anunsyo sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Paunang proseso para maging santo ang iginawad sa teenager, noong March 29, ng Prefect of the Congregation for the Causes of Saints Cardinal Angelo Becciu.

Ayon sa CBCP, sinimulan na ni Bishop Honesto Ongtioco of Cubao ang proseso ng canonization ni Ramos, bilang hiling ng The Friends of Darwin Ramos Association.


Si Ramos ay laki sa Pasay City, at natutong mangalakal para makatulong sa gastusin ng pamilya.

Nang napag-alamang may Duchenne muscular dystrophy ang binata, kalaunan ay unti-unti na itong nanghihina hanggang sa hindi na siya makatayo.

Sa kabila ng kalagayan, nakuha pa rin ni Darwin na tumulong sa mga batang kalye.

Bininyagan siya noong 2006 at saka nabuo ang mas malalim na relasyon ng binata sa Panginoon.

Sa malubhang sakit, namatay si Ramos sa Philippine Children’s Medical Center noong Sept. 23, 2012, sa edad na 17.

Facebook Comments