Road users’ tax, pinatataasan ng kamara

Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na taasan na ang 15 taon na ring motor vehicle users’ charge (MVUC) o road users tax.

Sa House Bill 4695 ni Salceda, dahan-dahang ipapatupad ang dagdag na road users’ tax sa loob ng tatlong taon.

Pagsapit naman ng taong 2023 ay papasok ang unitary rate na P1.40 per kilogram ng gross vehicle weight sa lahat ng uri ng sasakyan.


Itatakda na rin ang 5-porsyento pagtataas ng road users tax simula sa Enero 1, 2024.

Gagamitin ang malilikom na pondo sa Universal Health Care law at sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Tinataya ni Salceda na kikita ang gobyerno ng karagdagang P8.12 bilyon para sa taong 2020 hanggang sa umabot ng P32.61 bilyon sa taong 2024.

Samantala, malilibre naman sa road users tax ang mga motorsiklo na walang side car at may engine displacement na 400cc pababa pero itataas ang singil sa iba pang uri ng sasakyan.

Facebook Comments