Inilatag na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang roadmap para sa rehistrasyon ng National ID System.
Ayon kay PSA Deputy National Statistician at Assistant Secretary Rosalinda Bautista, sinimulan na ang rehistrasyon ngayong 2020 ng nasa limang milyong low income head of the family.
Habang pagsapit ng 2021, target ng PSA na makapagrehistro ang nasa 45 milyong mga Pilipino sa National ID System.
Sa darating naman na 2022, aabot sa 42 milyong Pilipino ang kasama sa irerehistro kung saan kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Samantala sa 2023, dito na mapapabilang ang mga kabataan o menor de edad na kasama sa target na 24 milyong Pilipino.
Magagamit ng mga Pilipino ang kanilang National ID sa lahat ng mga transaksyon.
Facebook Comments