Roadmap patungo sa new normal, binabalangkas na ng pamahalaan

Magiging bahagi ng National Action Plan (NAP) Phase 5 ang road map na isinusulong ng National Task Force (NTF) tungo sa new normal.

Matatandaang sinabi ni testing czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na pinag-uusapan na nila ang pagbuo sa road map na ito at inaasahang maipiprisinta sa IATF at sa pangulo sa Marso.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, karamihan ng mga component o lalamanin ng road map ay magiging kabahagi rin ng NAP 5.


Layon ng NAP 5 na paigtingin o lamangan pa ang economic recovery na una nang natamasa ng bansa at tiyakin na magiging matatag ang muling pagbangon nito.

Habang ang National Employment Recovery Strategy (NERS) program naman aniya ng pamahalaan, ay ongoing na.

Samantala, nilinaw rin ni Secretary Nograles na hindi aalisin ang Alert Level System sa ilalim ng National Action Plan 5.

Facebook Comments