Pinalakas ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang roadside monitoring kasabay ng Trillion Peso March upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.
Nag-deploy ang ahensya ng mga team sa pangunahing kalsada at city centers na apektado ng pagdagsa ng mga tao at sasakyan.
Kabilang sa isinagawa ang visibility patrols, roadside inspections, at traffic management.
Nakipag-ugnayan din ang LTO sa PNP para sa mas mabilis na tugon sa mga aberya.
Tumutok ang mga tauhan sa pagsusuri sa driver’s licenses, rehistro, at pagsunod ng mga pampublikong sasakyan sa patakaran.
Tiniyak naman ng LTO Region 1 na magpapatuloy ang kanilang operasyon para sa kaligtasan at kaayusan sa kalsada.
Facebook Comments









