Robbery at theft cases, bumaba sa 60% simula March 17 batay sa datos ng PNP

Bumaba ng 60% ang robbery at theft cases sa unang dalawang-daang (200) araw ng community quarantine simula noong March 17.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General (PLTGEN) Guillermo Eleazar, nakapagtala ang PNP ng 46 percent decline para sa Eight Focus Crimes kabilang na ang; murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of motorcycles at carnapping of cars.

Habang nasa kabuuang 18,683 crimes naman ang naitala sa ilalim ng Eight Focus Crime mula March 17 hanggang October 2 ng kasalukuyang taon.


Kumpara ito sa datos mula August 30,2019 hanggang March 16,2020 kung saan nakapagtala ang PNP ng 34,768 criminal incidents.

Nagkaroon naman ng malaking pagbaba ng kaso ng motorcycle carnapping kung saan nagkaroon ng 64 percent decline dahil nasa 786 cases lamang ang naitala habang umiiral ang quarantine period.

Facebook Comments