Pumunta sa San Jose, Occidental Mindoro ngayong araw si Bise Presidente Leni Robredo para makausap ang 22 mangingisda na sakay ng binanggang FB Gem-Vir 1 sa Recto Bank noong Hunyo 9.
Pasado alas-9 ng umaga, dumating si Robredo sa bahay ni Arlene Dela Torre, may-ari ng bangkang sinalpok umano’y ng isang Chinese fishing vessel.
Sumunod na binisita ni Robredo si Junel Insigne, kapitan ng FB Gem-Vir 1.
Ayon kay Insigne, masaya silang dumalaw ng personal si Robredo sa kanilang tirahan. Nakikinig lamang ito habang kinukuwento nila ang hindi malilimutang pinagdaaanan sa Recto Bank.
Binisita din ni Robredo ang bahay ng operator ng boat machine. Matapos kumustahin ang mga mangingisda, tumungo ito sa munispyo kasama si Mayor Romulo Festin.
Hindi nagpaunlak ng panayam mula sa media si Robredo.