Robredo, ikinalugod ang pakikipag-partner ng ilang LGUs sa pandemic programs ng OVP

Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo na karamihan sa mga local government units (LGUs) ay bukas na makipag-partner sa pandemic programs ng Office of the Vice President (OVP).

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na makakatulong ang kanilang mga programa para maputol ang transmission chain sa komunidad.

Pero aminado si Robredo na may ilang local government units (LGUs) ang walang kooperasyon sa Community Learning Hubs ng OVP, na nasa 60 lokalidad sa buong bansa.


Itinatag ng OVP ang learning hubs kung saan maaaring gamitin ng mga estudyante ang gadgets para sa distance learning ngayong pandemic.

Nasa 4,000 bata ang nangangailangan ng gadgets para blended learning.

Facebook Comments