Naniniwala si Senator Francis Kiko Pangilinan na hindi inaasahan ng administrasyong Duterte na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pagiging co-chairman ng inter agency committee on ilegal drugs (ICAD).
Ayon kay Pangilinan, ito ang dahilan kaya walang puknat ang pag-puna at pang-iinsulto sa Bise President.
Diin ni Pangilinan, hindi kapit-tuko sa pwestong Drug Czar si Leni.
Giit ni Pangilinan, mabuti pang sabakin na lang si robredo sa halip na mag-imbento ng kwento para ito ay mabatikos, insultuhin at sabihang hindi pinag-kakatiwalaan ng Pangulo.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na hangad lang ni Leni na hindi patayan ang solusyon sa problema ng droga dahil ang drug addiction ay isyu ng kalusugan na kailangang pagalingin.
Pagtiyak ni Pangilinan, gagawin ni Robredo ang lahat para masalba ang mga buhay ng mga pilipino mula sa mga araw araw na patayan.