Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na isalba ang Philippine National Police mula sa mga kontrobersiya na kinakaharap nito.
Apela ni Robredo – huwag sanang sirain ang buong institusyon ng mga pulis na wala namang magandang hangarin.
Aniya, nadadamay na ang mga pulis na malinis ang trabaho at maayos na ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Matatandaang nasasangkot ang Caloocan police dahil sa pagkakamatay ni Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz na napatay sa police operations.
Habang iniuugnay din sa mga pulis ang pagkamatay ni Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman na natagpuang patay sa Gapan, Nueva Ecija.
Facebook Comments