Umaasa pa rin si Vice President Leni Robredo na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng inflation rate ng bansa ngayong 2019.
Ito ay sa kabila ng itinuloy na pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa langis ngayong Enero.
Ayon sa Bise Presidente, nakapanghihinayang na binawi ang suspensyon sa pagpapataw ng fuel excise tax na malaking tulong sana para makahinga ang mga konsyumer mula sa pagmahal ng mga bilihin at serbisyo noong isang taon.
Nangangamba rin si Robredo na baka lalong maapektuhan ang inflation sa bicol region dahil na rin ng pinsalang idinulot ng bagyong Usman.
Nabatid na nangunguna pa rin ang rehiyon ng bicol sa may pinakamabilis na inflation rate.
Samantala, bagama’t bumaba sa 5.1% ang inflation rate nitong Disyembre mula sa 6% noong Nobyembre… mataas pa rin ito kumpara sa target estimate na 2 hangang 4%.