Naniniwala si Vice President Leni Robredo na magiging patas si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa pagdedesisyon sa kinahaharap nitong electoral protest.
Sa gitna ito ng mga espekulasyon na posibleng makaapekto sa kaso ang pagkakatalaga kay Peralta bilang bagong Chief Justice.
Nabatid kasi na malapit si Peralta sa pamilya ni dating Senador Bongbong Marcos na siyang naghain ng protesta laban kay Robredo.
Gayunman, kumpiyansa ang Bise Presidente na integridad ng Korte Suprema ang ipaglalaban ni Peralta at hindi ang kanyang personal preference.
Si Vice President Leni Robredo.
Facebook Comments