Robredo, umaasang magbubunga ng solusyon sa water shortage ang gagawing imbestigasyon ng senado sa isyu

Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga opisyal na haharap sa pagdinig ng senado na maging transparent hinggil sa nararansang water shortage sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.

Matatandaang itinakda sa martes, March 19 ang pagdinig ng Senate Committee on Public Service sa isyu.

Kabilang sa mga pagpapaliwanagin ay ang mga government regulators gaya ng National Water Resource Board, Local Water Utilities Administration, Metropolitan Waterworks and Sewerage System gayundin ang Manila Water at iba pang stakeholders.


Ayon kay Robredo – umaasa siyang mahahanapan ng solusyon ang problema at mapapanagot ang sinumang responsable sa nararanasang krisis sa tubig.

Samantala, ipinagtataka rin ng bise presidente kung bakit mas pinili ng gobyerno ang pagpapagawa sa kaliwa dam sa halip sa ituloy ang pagpapagawa sa dam sa ilalim ng Public–Private Partnership project na nauna nang inaprubahan noong 2014.

Sa ilalim kasi ng PPP, walang gagastusin ang gobyerno hindi gaya sa kaliwa dam na 85% ay utang sa china habang 15% ang magiging gastos ng pamahalaan.

 

Facebook Comments