Rochelle Pangilinan, napa-wow ang mga netizen!

180

Hindi maiwasan ng mga netizen na mapa-wow sa pagbabalik sa showbiz ng dating sex bomb dancer at aktes na si Rochelle Pangilinan.

Limang buwan kasi matapos niyang manganak sa panganay nila ng asawang si Arthur Solinap na si baby Shiloh ay para walang nagbago sa kanyang body figure.


Kitang-kita kasi ang kurba ng kaseksihan ni Rochelle na parang hindi raw nanganak.

Marami tuloy ang humanga sa bilis niyang pumayat at parang mas lalo pa siyang sumeksi ngayon.

Say ni Rochelle, dumaan daw talaga siya sa balik-alindog program kung saan agad siyang mag-exercise ng bigyan ng go signal ng kanyang OB-gynecologist.

Ilan daw sa kanyang ginawa ay ang isang oras na light exercise araw-araw at diet.

Facebook Comments

From Advertisers