Rockets, pinadapa ang Suns, 118-110

Phoenix – Pinadapa ng Houston Rockets ang Phoenix Suns, 118-110 sa kanilang bakbakan sa Talking Stick Resort Arena.

Bumida sa laban si Reigning Most Valuable Player James Harden na kumamada ng 44 points, 8 rebounds at 6 assists.

Nag-ambag pa si Chris Paul ng 18 points para umabante ang Rockets sa laban.


Para sa koponan naman ng Phoenix, nanguna si Josh Jackson na nagtala ng 25 points.

Facebook Comments