Ikinukunsidera ng National Bureau of Investigation o NBI na gawing state witness ang inarestong website administrator kung saan in-upload ang “Bikoy videos”.
Ayon kay Rodel Jayme – handa siyang maging state witness at makikipagtulungan siya sa mga awtoridad sa pagtukoy sa iba pang mga nasa likod ng kontrobersyal na video series.
Sinabi ni NBI Spokesperson, Deputy Director Ferdinand Lavin – kailangan munang sampahan ng kaso si Jayme dahil kapag ikinunsidera na siyang testigo ay siya ang unang makakasuhan.
Ang isang taong nakasuhan sa korte ay maaaring ma-discharge bilang state witness sa ilalim ng ilang requirements.
Sa ngayon, hindi pa nareresolba ng NBI ang inciting to sedition laban kay Jayme.
Malalaman sa resolution ng complaint kung kakasuhan ba o hindi sa korte si Jayme.