Rodrigo Duterte, umaasang matatapos na ang insurhensya kasunod ng pagkamatay ni Joma Sison

“End of an era.”

Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na umaasa siyang matatapos na rin ang insurgency sa bansa kasabay ng pagkamatay ni Sison.


Aniya, bagama’t marami silang hindi pinagkakasunduan ay naniniwala siyang pareho sila ng pangarap at ito ay ang magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Nagpaabot din si Duterte ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Sison.

Si Joma Sison ay pumanaw kagabi matapos na ma-confine nang dalawang linggo sa ospital.

Facebook Comments