Pagsalpok ng Sasakyan sa Motorsiklo, Isa Patay; Isa Sugatan!

251

*Roxas, Isabela-* Patay agad ang isang lolo habang isa ang sugatan matapos salpukin ng sasakyan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy San Rafael, Roxas, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng motorsiklo na si Danilo Umandal, 66 anyos, residente ng nasabing barangay habang ang sugatan ay si Roselyn Galzote, 28 anyos, residente naman ng District 4, San Manuel, Isabela.

Nakilala naman ang suspek at driver ng Hyundai accent na si Raymart Santiago, 26 anyos, binata, negosyante at residente ng Brgy Victoria, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, patungong north direction ang biktima lulan ang minamanehong motorsiklo nang biglang tumbukin ito ng sumusunod na sasakyan na minamaneho ng suspek.

Sa lakas na impak ng pagbangga ng sasakyan sa motorsiklo ay tumilapon si Umandal at nagtamo ng malalang pinsala sa katawan na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang ang kasama nito na si Galzote ay dinala sa pagamutan para sa kanyang karampatang lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Roxas hinggil sa naturang pangyayari at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments