Roll out ng AstraZeneca vaccines, pinaplantsa pa ng iNITAG

Wala pang nakatakdang schedule para sa roll out ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, kung para kanino ito at sa anong edad ito ilalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) ang magpapasya nito at ngayong araw ay pinag-uusapan at pinaplantsa nila ang naturang usapin.

Ang iNITAG rin aniya ang magde-desisyon kung isasabay pa sa roll out ng Sinovac vaccines ang bakuna ng AstraZeneca, o kung hihintayin munang maubos ang Sinovac vaccines.


Nakadepende rin sa rekomendasyon nito, kung papayagan itong ipagamit sa mga senior citizen.

Sinabi ni Secretary Roque, na isusumite pa ng iNITAG sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ito, saka nila aaprubahan.

Mamayang gabi ay nakatakdang dumating sa bansa ang halos 500,000 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility.

Facebook Comments