Posibleng sa Pebrero ay mai-roll-out na ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang libu-libong COVID-19 vaccines sa mga medical frontliners.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, kasalukuyan ngayon ang pakikipag-ugnayan ng syudad sa mga manufacturers ng COVID-19 vaccine gayundin sa Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 para sa sourcing at roll-out ng mga bakuna.
Nilinaw naman ni Sotto na ang pagbabakuna ay para muna sa mga medical frontliners ng lungsod.
Sa ngayon ay wala pang bakuna na nabibigyan ng authorization na magamit sa bansa.
Tumanggi naman muna si Sotto na banggitin kung anong brand ng bakuna ang kukunin ng Pasig pero kanila na itong pinag-aaralan sa ngayon.
Pagkatapos ng roll-out ng vaccine sa mga medical frontliners ay agad na isusunod dito ang mga senior citizens at mga Persons with Disabilities (PWDs).