ROLLBACK | Malaki-laking bawas presyo sa produktong petrolyo, aasahan ngayong linggo

Manila, Philippines – Good news!
Matapos ang anim na magkakasunod na linggong oil price hike, malaki-laki ang inaasahang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Maglalaro sa P1.30 hanggang P1.45 kada litro ang magiging bawas sa diesel.

Sa gasolina, P1.10 hanggang P1.20 ang magiging rollback.


Aabot naman sa 80 hanggang 90 centivos ang matatapyas sa presyo.

Mula January 1 hanggang February 6, kapag isinama sa oil price hike ang excise tax ay pumalo sa halos 6-pesos ang iminahal sa presyo ng diesel at lagpas 5-pesos sa gasolina.

Facebook Comments