ROLLBACK | Presyo ng produktong petrolyo, tatapyasan

Manila, Philippines – May rollback ang ilang kumpanya ng langis ngayong papasok na Linggo.
Nasa 30-centavos ang tapyas sa halaga ng kada litro ng diesel at kerosene habang 20-centavos sa bawat litro ng gasolina.
Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng rollback ay ang Shell, Caltex, Phoenix, PTT, Jetti, Clean Fuel, Metro Oil, Eastern Petroleum at Seaoil.
Inaasahan na sa Martes ng umaga gagawin ang nasabing oil price rollback.

Facebook Comments