
Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi sapat ang mga nakatakdang rollback sa produktong petrolyo bukas, April 14, para maibsan ang bigat ng gastusin ng mga Pilipino.
Ayon sa pangulo, bagama’t makatutulong ito sa mga Pilipino, kailangan pang palakasin ang mga programa ng gobyerno upang maramdaman ng publiko ang ginhawa sa pang-araw-araw na buhay.
May nakahanda aniyang dagdag na tulong na ilalabas sa mga susunod na araw.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang rollback sa presyo ng petrolyo ngayong linggo, kung saan nasa ₱20.89 ang bawas sa diesel, ₱4.43 kada litro sa gasolina, at ₱8.50 naman sa kerosene.
Facebook Comments










