Manila, Philippines – Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.
Ito na ang ikaapat na rollback ng mga oil companies sa loob ng apat na linggo ngayong buwan ng Hunyo at mayroon ding rollback sa presyo ng kerosene na maglalaro sa 20 hanggang 30 centavos.
Ang Phoenix Petroleum ang naunang nagpatupad ng rollback na epektibo alas 6:00 ng umaga kanina (June 26 / Lunes) kung saan nagbawas sila ng 25 centavos sa kada litro ng diesel at 40 centavos sa kada litro ng gasolina.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng parehong halaga rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong maghapon.
Sa magkakasunod na rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis noong June 6, June 13 at June 20, umabot na sa P2.05 ang nabawas sa kada litro ng gasolina at P1.95 naman sa kada litro ng diesel.