Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa local oil industry,batay sa unang apat na araw ng trading, tinatayang nasa P1.90 kada litro na ang ibinagsak sa presyo ng imported diesel, habang P1.64 naman sa kerosene, at P0.83 sa gasolina.

Ito ay dahil sa mababang demand mula sa China, na isa sa mga top-oil importer, dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 doon.


Samantala, nakadepende pa rin sa magiging resulta ng susunod na meeting ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus sa Disyembre ang magiging galaw ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments