Posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, tinatayang nasa P2.00 hanggang P2.50 ang tapyas sa kada litro ng gasolina, habang higit sa P1.00 naman ang bawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Aniya, maganda kasi ang naging indikasyon ng international trading sa nagdaang mga araw.
Pero mayroon pang natitirang trading ngayong araw at posible pa itong magbago.
Matatandaang nitong Martes ay nagpatupad ang mga oil companies ng higit P6 na taas-presyo sa diesel at kerosene.
Asahan naman na mag-a-anunsyo ng opisyal na price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa araw ng Lunes, at ipatutupad ito sa Martes sa susunod na linggo.