PNP, nanawagan sa pamunuan ng MILF na isuko ang mga miyembrong may nakabinbing warrant of arrest

92

Nakikiusap si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko sa Pambansang Pulisya ang kanilang mga miyembro na may outstanding warrant of arrest.

Ayon kay Azurin, sa pamamagitan nito maipapakita ng MILF ang kanilang sinseridad sa peace process.

Sinabi pa nito na ngayong bahagi na ng gobyerno ang MILF leadership, tungkulin nila na ipatupad ang batas sa kanilang mga miyembro.


Matatandaan na unang kinuwestyon ni Gen. Azurin ang umiiral na patakaran kung saan kinakailangan magpaalam muna ang PNP bago pumasok sa sinasabing “teritoryo” ng MILF sa Bangsamoro Autonomous Region para magsilbi ng mandamyento de aresto.

Facebook Comments