Rollout ng Bagong Pilipinas Digibox, sisimulan na ngayong taon

Sisimulan na ng Presidential Communications Office (PCO) ang rollout ng Bagong Pilipinas Digital Box (Digibox) sa buong bansa, ngayong taon.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, magsisimula ang transition ng bansa sa analog patungong digital TV sa Metro Manila.

Ibig sabihin, mula ngayong taon ay mawawalan na ng signal ang mga analog TV o ang mga telebisyon na gumagamit pa ng antenna.


Dagdag pa ni Garafil, isa sa special feature ng Bagong Pilipinas Digibox ay ang pagkakaroon ng early warning device na magbibigay ng babala sa publiko kung may anumang sakuna o kalamidad na mangyayari.

Mamamahagi rin aniya ng libreng digibox ang PCO para sa mga walang kakayahang makabili nito.

Sa katunayan ay nasa 1,000 units ng digibox ang ipina-raffle sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Quirino Grandstand nitong Linggo.

Facebook Comments