Rollout ng COVID-19 booster shots sa mga priority group, welcome sa isang kongresista

Ikinalugod ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagpapahintulot ng Department of Health (DOH) sa rollout ng COVID-19 booster shots na kabilang sa priority groups.

Ayon kay Cayetano, tama ang hakbang at desisyon ng DOH na bigyan na ng booster shots ang mga healthcare workers, senior citizens, at mga immuno-compromised.

Iginiit ng kongresista na nararapat lamang na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga kabilang sa priority groups para sa dagdag na proteksyon at para hindi masayang ang mga pinaghirapan ng pamahalaan.


Una nang naghain ng resolusyon ang Balik sa Tamang Serbisyo o BTS bloc sa Kamara na humihimok sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan ng booster shots ang naturang priority groups.

Batay sa rekomendayson ng Health Technology Assessment Council (HTAC), unang ibibigay ang booster shots sa mga healthcare worker bago matapos ang taon habang sa unang bahagi ng 2022 naman ang para sa mga senior citizen.

Facebook Comments