Bahagyang bumagal ang rollout ng pamahalaan sa COVID-19 vaccine.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa gitna ng mga tanong kung makakamit ba ng gobyerno ang mabakunahan ang 70 milyong indibiduwal sa katapusan ng taon lalo na at nasa 1.12 million doses ng COVID-19 vaccines ang mayroon pa lamang ang bansa.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, may healthcare workers na tumangging magpabakuna ng Sinovac.
Aniya, binigyan ng kalayaan ang health workers na pumili ng gusto nilang brand ng bakuna.
Iginiit ni Roque na alam ng gobyerno ang mga gagawin nito para maabot ang itinakdang target.
Pero tiniyak naman ng Palasyo na hindi mawawala sa prayoridad ang health workers kahit anong brand pa ng bakuna ang kanilang piliin.
Facebook Comments