Wednesday, October 14, 2026

Romualdez, ikukulong na sa QC Jail

Ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd Division ang paglipat ni dating Speaker Martin Romualdez mula University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP – PGH) sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Ito ay matapos isumite ni UP – PGH Medical Director Dr. Gerardo Legaspi ang isinagawang independent medical assessment upang tukuyin kung may sapat na medical basis para manatili siya sa ospital sa halip na dalhin sa detention facility.

Ayon kay Dr. Legaspi, clinically stable si Romualdez at mababa ang panganib nitong magkaroon ng heart attack habang ang kaniyang hypertension, diabetes, at chronic cerebrovascular disease ay kontrolado.

Dagdag pa niya, maari nang i-discharge si Romualdez anumang oras ngayon. Pero iginiit na dapat magpatuloy ang gamutan sa major depressive disorder ng kongresista.

Sa pasya ng korte, maaari nang ipatupad ang kanyang aktuwal na paglipat sa detention facility.

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickback sa mga infrastructure project.

Facebook Comments