
Muling iginiit ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na siya ay inosente at kaniyang tiniyak na haharapin ang kaniyang kaso at sasagutin ang mga paratang kaugnay sa flood control scam.
Ayon kay Romualdez, mahirap ang pinagdadaanan niya at ng kaniyang pamilya ngayon pero haharapin niya ang mga darating na araw ng may dignidad, pananalig sa Diyos at tiwala sa katotohanan.
Nirerespeto rin ni Romualdez ang desisyon ng Sandiganbayan na ilipat na siya sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Hinggil dito ay nagpasalamat si Romualdez sa pangangalaga at professional judgment ng mga doktor ng Cardinal Santos Medical Center at Philippine General Hospital.
Ayon kay Romualdez, patuloy niyang susundin ang medical advice ng kaniyang mga doktor.
Facebook Comments










